August 15, 2007

RAIN RAIN, GO AWAY

Grabe. Ang lakas na naman ng ulan. Nagising ako kaninang umaga na medyo makulimlim pa. Wednesday ngayon, at dahil color coding ang sasakyan ko, mamayang pasado alas-diyes pa ako makakalabas ng bahay. So habang kumakain ng agahan, nag-check muna ako ng emails at nakapag-attend pa ng phone meeting. Hala, ilang minuto pa'y dumagsa na ang malakas na ulan. Buhos talaga! Halos pader na ng tubig ang bumababa galing kalangitan.

Isang oras na ang nakakaraan simula nang mag-umpisang bumuhos ang ulan. Wala pa ring humpay. Kung gaano ito kalakas kanina'y ganun pa rin ang lakas ngayon. Malamang baha na sa C5 at sa SLEX. Pwede na rin ako sigurong umalis na ng bahay kasi sino namang MMDA traffic enforcer ang nasa tamang pag-iisip na magpakabayani pa at mag-traffic sa ganitong kalakas na ulan? Ay... wala nga palang taga-MMDA na nasa tamang pag-iisip.

Pero ano naman ang gagawin ko dito sa bahay? Kahapon pa ako naka-telecommute. Nabuburaot na ko dito sa bahay. Oo nga, masarap. Panood-nood ka lang ng TV habang nagtatrabaho, pag nagugutom ka, magbukas ka lang ng ref at may pagkain ka na. At kadalasan, pwede akong makipagsagutan ng maaanghang na emails habang hubo't hubad ako. Pero nakakasawa na rin. Gusto kong lumabas. Maglakad. Makakita ng ibang tao. Nagsasawa na kong puro mga taga-Yahoo Messenger at Skype lang ang nakakasalamuha ko.

Teka. Wala na yatang ulan. Medyo tumila na. Ano ba, papasok ba ko o hindi na lang?

No comments: