May 06, 2007

PEPSI MAX



Alas dos trenta na ng umaga pero hindi pa rin ako makatulog. Ewan ko ba. Ba't ang hirap akong dapuan ng antok nitong mga araw na 'to. Parang takbo nang takbo ang isip ko pero wala namang tinutunguhan. Namomroblema ng mga problemang hindi naman dapat problemahin. Ano ba 'to? Pangitain ng pagkasira ng ulo? O dala lamang nang sobrang pag-inom ng Pepsi Max?

Natatawa sa 'kin si Freya kanina. Addict na daw ako sa Pepsi Max. Isip tuloy ako... Ba't nga ba ang sarap ng Pepsi Max sa panlasa ko? Kung tutuusin, lasang gamot naman. Aba. Di kaya Pepsi Max ang sanhi ng panimula ng pagkasira ng ulo ko? Hahaha... Lagot sila sa 'kin pag nangyari yun. Idedemanda ko sila tulad nung nangyari sa Pepsi Scam maraming taon na ang nakakalipas.


Hay. Makatulog na nga lang. Pero bago yun, inom muna ko. Tubig naman.