HERE WE GO AGAIN
This is it. Wala nang urungan to. Finally, nagkalakas ako ng loob para ipadala yung resignation letter ko sa boss ko. Actually, bago ko gawin yun, nag-usap muna kami sa phone. Syempre kelangan ganun. Alangan namang sa email ko lang gawin yung resignation ko. Mahirap na. Baka mamaya magkrus uli yung mga landas namin ng boss ko. Sabi nga nila, don't burn the bridge when you get there.
Anyways, ayun. Nakakatawa nga eh, kasi nung tinext ko yung boss ko kung pwede ko syang tawagan sandali, yun pala delayed yung flight nya mula San Jose papuntang Detroit. Tinanong ko sya kung okay lang ba na pagdating na lang nya sa Detroit ko sya tawagan. Eh sabi nya tawagan ko na daw sya so tinawagan ko na. Paligoy-ligoy pa ko nung simula. Lintek, hindi ko alam kung papano ko sisimulan eh. Tinanong ko muna kung ano gagawin nya sa Detroit. Maya-maya pa, binanatan ko na. Nung una di sya naka-imik. Nabigla siguro. Pero nung malaon, nagtatanong na kung san ako lilipat, pano ko nahanap yung trabahong lilipatan ko, at kung na-meet ko daw ba yung expectations ko dun sa trabahong binigay nya.
Nakapagtataka lang, ni minsan hindi nya tinanong kung anong problema. Pero okay lang kasi gusto ko ring iwasan yung usapang ganun. Kung tutuusin, wala naman talagang problema. May mga opportunities lang talaga na kelangan sunggaban mo, or else, buong buhay kang mag-iisip ng "what if". Ayoko ng ganun. Lalo lang akong hindi makakatulog pag ganun.
So ayun. Bago matapos yung usapan namin, sinabihan na lang ako na ilista ko yung mga current projects ko tsaka kung ano yung mga dapat ilipat sa iba kong kasamahan sa grupo. Actually, wala naman nang masyado akong ginagawa lately eh. Sana wala namang aberyang mangyari.
Countdown na. Last day ko na sa September 21. After nun, panibagong chapter na naman ang mabubuksan sa buhay ko.
August 21, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment