August 24, 2007

'NUFF SAID

"You take the chance and go and all you need is your passport in one pocket and enough money for a flight home in the other pocket and life will take care of the rest. If you don't go, you may forever regret it." - Anonymous

No better time to break this than now. I'm leaving Manila next month. I accepted an offer from a company in Switzerland last June. Two weeks ago, my residence/work permit was approved in Bern. Last Monday, my entry visa was issued by the Swiss Embassy. Today, the company has emailed me my e-ticket.

Am I doing this for the money? Most likely no. Yes, I'll definitely be earning more there, but cost of living is pretty steep too. Still, the money left after taxes, rent, commute, utilities, and food is still a couple of times more than what I'm making before taxes in the Philippines. But as it is, my wife and I are already doing quite well here in Manila. Why fuck with a good thing, right?

The real reason why we're leaving is that we're tired. I'm tired.

I'm tired of dealing with the bureaucracy that is called the Philippine government.

I'm tired of daily two-hour commutes. And that's only one way from office to my house.

I'm tired of getting ripped off by the taxes here in the Philippines only to see those in government benefiting from it.

I'm tired of getting it up the arse everytime a public jeep crashes into my car and the driver brazenly tells me, "Wala akong insurance eh. Sigurado naman meron ka. Dun mo na lang pagawa yang bangga."

I'm tired of having to save up months and months for my simple extravagances here in Manila, our only passion that keeps us sane, when I can (almost) buy whatever I want with this new job.

I want to live life the way they do it. I want to enjoy life. I'm 32, and if I'm lucky enough to live until I'm 60, I might as well spend the rest of my life with a solid chance of actually enjoying it.

I know it's not going to be easy. It's a predominantly white country, and they speak a different language. But I'm taking my chance. I don't want to spend the rest of my life with another "what if" thought lingering at the back of my head.

August 22, 2007

A LOVE STORY



Pinanood namin ni misis 'to last week. Magandang pelikula. On the surface, it looks like your usual misis versus kerida versus babaerong asawa movie. However, there's a nice twist in the how your usual keridas are portrayed, and for that reason alone, this movie is worth watching. Of course there are the usual cliches. Like Angelica's role as a jetsetting flight attendant. In the movie, you'll get an idea that flight attendants are pakawala: all night partying at their ports of call, getting laid by guys they meet in elevator. Goddamnit. In my ten years of flying all over the world on business trips, how come I've never gotten in bed with a flight attendant?! Not one!! There must be something wrong with me. Or maybe I should just accept the fact that I do not look like Aga Mulach. Whatever.

Anyway, I didn't feel too comfortable watching this movie with my wife. Is it because I felt guilty? Siguro nga. Though I've never banged any flight attendants, the whole idea of watching a kerida movie with my wife was simply too unsettling. It was like watching my life and Aga was playing my role. I found myself remembering those times when I was in the same position. Grabe, if they asked me to be a consultant in planning this film, or to take part in developing the story and writing the script, I know I would have done a terrific job of doing so.

It's a good thing I'm now over that period of my life. I'm not saying that I'll never do it again, or that if given the chance, I would. I'm just saying that my life is so much more peaceful now that I've gotten out of on the side relationships. Mas nakakahinga ako nang maluwag. Wala akong kabang nararamdaman everytime I leave my cellphone out of sight. Hindi ako nag-aalangan pumunta sa malls at nag-iisip kung sino ang pwedeng makakita sa akin. Life is so much better without having to worry about a third party. Tsaka sobra akong tinamaan dun sa sinabi ni Aga. Papano pag di ko na kayang ayusin yung mga nasira ko? Sobrang tama yung statement na yun. Ayoko nang bumalik sa situation na ganun palagi yung nasa isip ko.

August 21, 2007

HERE WE GO AGAIN

This is it. Wala nang urungan to. Finally, nagkalakas ako ng loob para ipadala yung resignation letter ko sa boss ko. Actually, bago ko gawin yun, nag-usap muna kami sa phone. Syempre kelangan ganun. Alangan namang sa email ko lang gawin yung resignation ko. Mahirap na. Baka mamaya magkrus uli yung mga landas namin ng boss ko. Sabi nga nila, don't burn the bridge when you get there.

Anyways, ayun. Nakakatawa nga eh, kasi nung tinext ko yung boss ko kung pwede ko syang tawagan sandali, yun pala delayed yung flight nya mula San Jose papuntang Detroit. Tinanong ko sya kung okay lang ba na pagdating na lang nya sa Detroit ko sya tawagan. Eh sabi nya tawagan ko na daw sya so tinawagan ko na. Paligoy-ligoy pa ko nung simula. Lintek, hindi ko alam kung papano ko sisimulan eh. Tinanong ko muna kung ano gagawin nya sa Detroit. Maya-maya pa, binanatan ko na. Nung una di sya naka-imik. Nabigla siguro. Pero nung malaon, nagtatanong na kung san ako lilipat, pano ko nahanap yung trabahong lilipatan ko, at kung na-meet ko daw ba yung expectations ko dun sa trabahong binigay nya.

Nakapagtataka lang, ni minsan hindi nya tinanong kung anong problema. Pero okay lang kasi gusto ko ring iwasan yung usapang ganun. Kung tutuusin, wala naman talagang problema. May mga opportunities lang talaga na kelangan sunggaban mo, or else, buong buhay kang mag-iisip ng "what if". Ayoko ng ganun. Lalo lang akong hindi makakatulog pag ganun.

So ayun. Bago matapos yung usapan namin, sinabihan na lang ako na ilista ko yung mga current projects ko tsaka kung ano yung mga dapat ilipat sa iba kong kasamahan sa grupo. Actually, wala naman nang masyado akong ginagawa lately eh. Sana wala namang aberyang mangyari.

Countdown na. Last day ko na sa September 21. After nun, panibagong chapter na naman ang mabubuksan sa buhay ko.

August 15, 2007

GOVERNMENT WARNING: YOUTUBE IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH

Ayaw nyong maniwala ha...

Jeon Ji Hyun para sa Samsung DNA Printer



Jeon Ji Hyun uli, for Giordano



Jeon Ji Hyun for Laneige



Jeon Ji Hyun for Olympus



Niraket talaga ni Jeon Ji Hyun ang Giordano!



One more time!!



Mala-sineng commercial ng Giordano starring who else?



Marami pa nyan sa Youtube. Grabe. Love ko na si Jeon Ji Hyun.
RAIN RAIN, GO AWAY

Grabe. Ang lakas na naman ng ulan. Nagising ako kaninang umaga na medyo makulimlim pa. Wednesday ngayon, at dahil color coding ang sasakyan ko, mamayang pasado alas-diyes pa ako makakalabas ng bahay. So habang kumakain ng agahan, nag-check muna ako ng emails at nakapag-attend pa ng phone meeting. Hala, ilang minuto pa'y dumagsa na ang malakas na ulan. Buhos talaga! Halos pader na ng tubig ang bumababa galing kalangitan.

Isang oras na ang nakakaraan simula nang mag-umpisang bumuhos ang ulan. Wala pa ring humpay. Kung gaano ito kalakas kanina'y ganun pa rin ang lakas ngayon. Malamang baha na sa C5 at sa SLEX. Pwede na rin ako sigurong umalis na ng bahay kasi sino namang MMDA traffic enforcer ang nasa tamang pag-iisip na magpakabayani pa at mag-traffic sa ganitong kalakas na ulan? Ay... wala nga palang taga-MMDA na nasa tamang pag-iisip.

Pero ano naman ang gagawin ko dito sa bahay? Kahapon pa ako naka-telecommute. Nabuburaot na ko dito sa bahay. Oo nga, masarap. Panood-nood ka lang ng TV habang nagtatrabaho, pag nagugutom ka, magbukas ka lang ng ref at may pagkain ka na. At kadalasan, pwede akong makipagsagutan ng maaanghang na emails habang hubo't hubad ako. Pero nakakasawa na rin. Gusto kong lumabas. Maglakad. Makakita ng ibang tao. Nagsasawa na kong puro mga taga-Yahoo Messenger at Skype lang ang nakakasalamuha ko.

Teka. Wala na yatang ulan. Medyo tumila na. Ano ba, papasok ba ko o hindi na lang?

August 07, 2007

HOUSTON, DO WE HAVE A PROBLEM?



Shet, Sisig. Sikat ka na naman! Sino kaya yung may IP address na 69.153.213.# (AUSTIN EXPLORATION-040824003934) at nag-aksaya ng halos isang oras kakabrowse ng blog mo? At naka-39 page hits pa ha! Tinignan talaga lahat ng pages sa blog mo ah!!

Pootah, pare... Isa lang ibig sabihin nyan. May stalker ka na naman! May naglalaway na naman sa mala-Adonis mong katawan! Wahahaha!!

Hoy!! Stalker!! Kilala kita!! Hanggang dito ba naman eh hindi mo ko tatantanan? Kung may gusto kang malaman sa akin, text mo na lang ako o kaya mag-YM ka. Pakilala ka lang kasi simula nung malaman ko kung gano kasama yung ugali mo, pinagtatanggal kita sa Contacts ko!! Ano ba kelangan mong malaman at hindi mapakali yang daliri mo sa kakapindot sa mga links sa blog ko? Miss mo na ko noh?

Pwes, ikaw, hindi ko miss!! Nyahaha!!

August 04, 2007

MERIENDA

Kakatapos lang namin mag-grocery sa Shopwise kanina. Konti lang pinamili namin. Shampoo, deodorant, green papaya facial cleanser, ilang kartong gatas, gulay-gulay at pansahog para sa uulamin sa darating na linggo. Syempre, ang walang kamatayang Pepsi Max din.

Pagdaan namin sa chicheria section, nanumbalik ako sa panahong suot kong pampasok sa eskwela ay puting short sleeve polo at khaki shorts. Nakita ko yung lagi kong binibili sa tindahan sa tapat ng bahay namin tuwing hapon.



Hehehe... Naaalala mo rin ba yung panahon ng kabataan mo? Ako, ito yung madalas kong merienda tsaka Coke 500. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit ganito ako kataba ngayon. Kung wala nito, Peewee crackers yung kadalasang pamalit. Pero hindi ako masyadong mahilig sa Peewee. Dati pa man, hindi ako nahilig sa maanghang na chicheria.

Bumili ako ng apat nito kanina. Bukas dadalhin ko sa office para sabay-sabay naming sariwain ang panahon ng kabataan namin.