September 03, 2007

TURETE



Grabe, lumalala ata ang pagiging makakalimutin ko. Kagabi, bago ako umuwi, bumili ako ng tatlong bote ng Cerveza Negra. Ito kasi yung favorite beer ko. Sa mga hindi pa nakakasubok, Cerveza Negra yung dark lager beer ng San Miguel. Parang katulad ito nung Guiness, yung dark beer na gawa sa Ireland. Kakaiba ang lasa nito. Para sa akin, medyo mapait-pait na parang kape na may halong dark chocolate, na may halong beer. Masarap. Subukan nyo.

So ayun, bumili ako ng tatlong bote nito. Nilagay ko sa freezer lahat tapos nagsimula na akong magcheck ng email. Hala! Nakalimutan ko. Ngayong hapon ko lang nalaman na may nilagay pala akong beer sa freezer. Pagbukas ko ng freezer, okay naman pala sila. Feeling ko kasi baka pumutok tapos kelangan ko pang maglinis ng ref. Ang dami pa namang laman yung ref ngayon.

So eto, Cerveza Negra muna ko habang nagi-email tsaka naga-update ng blog.

No comments: