May 10, 2005

BALISAWSAW

Image hosted by TinyPic.com

Grabe ang init sa Manila lately. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng init. Maaga akong umalis ng office kahapon. Alas-tres pa lang umuwi na ako. Pagpasok ko pa lang ng awto, binuksan ko na agad yung aircon. Galing office, dumadaan ako ng C5 papuntang QC. Aba, nung nasa may Kalayaan Ave pa lang ako, malapit sa may Market Market, bumigay bigla yung aircon ko. Bumubuga pa rin ng hangin pero wala nang gaanong lamig. Bad trip. Pinatay ko na lang yung aircon tapos naghintay ako ng ilang minuto para buksan uli. Buti na lang gumana na.

Bakit ganon... pag sa beach, masarap yung ganitong init pero pag nasa Manila ka, mumurahin mo yung araw pag sumisikat nang ganito? Ilang linggo na lang ang natitira sa summer pero isang beach trip pa lang ang nagagawa namin. Gusto kong pumunta ng Pagudpud pero nakakapanghinayang naman yung toll fee sa North Expressway. Hmm, sali na lang kaya ako dun sa pa-contest ng RX 93.1. May beach party silang iso-sponsor sa Caylabne this Saturday. Kaya lang Strictly Bikini yung theme ng party eh... Parang masagwa yata kung makikita ako ng tao na naka-two piece...

No comments: