July 21, 2005

REMEMBERING HER

"I'm getting married at the end of the month. Ninong si Doc." Okaay...

"Really? He's going to be my officemate in a couple of weeks. Hindi naman yata ako reporting sa kanya pero I suppose we're going to work on a couple of projects together. How's he doing?"

"Okay naman. He asked about you, actually. Ano daw nangyari sa inyo ni Aya..." Darn that irritating smile.

"Hehehe. Hanggang ngayon ba naman yan pa rin ang tanong ng lahat ng tao? Okay na yun. Tapos na yun."

"Hindi nga! Pucha, we're almost like brothers, pare, pero you never told me the lowdown between the two of you."

"Basta. Tapos na yun."

"Alam mo, sabi sa kin nung ibang taga-niners si Aya daw ang crush ng bayan ng college nung time nila. At ikaw daw, sobrang swerte na sobrang gago. Sobrang tanga mo daw at hinayaan mong maghiwalay kayo ni Aya." Ouch. Sandra, don't do this. You're going to be my best friend's wife so please don't give me a reason to hate you.

"Tanga na kung sa tanga pero ganun talaga. And in fairness, yes, crush ng bayan material talaga. Pero that doesn't mean she's perfect. She may be, pero hindi binibigay ng Diyos lahat-lahat sa isang tao."

"So... Anong nangyari?" Naman... Halos sabay pa kayo.

"Hindi kami para sa isa't isa. Yun ang nangyari."

"Ha?! Eh ang tagal nyo rin together. College, tapos nagwork ka. Nag-states ka pa nga diba, kayo pa rin nun?"

"Oo, pero... Alam mo yung pakiramdam na hindi ka gusto ng pamilya ng girlfriend mo? Yung parang kahit anong gawin mo to prove na worthy ka, wala pa rin? Yun."

"Bakit naman?"

"Hindi ako mayaman eh."

"Ah." Eh di natahimik din kayo.

No comments: