September 20, 2006

ULAN

ang lakas ng buhos ng ulan kagabi. dito na muna ako sumilong, sa tabi ng isang ginagawang gusali sa tapat ng podium. pinatay ay makina, binuksan ang ipod, at inihiga ang upuang dalawang oras na sumasalo ng pwet kong sumasakit na. habang tumutugtog ang bandang eraserheads, hindi ko mapigilang isipin na parang naging ipod ang buhay ko nitong mga nakaraang linggo. nandun na parang love song, nandun na parang masaya, at kadalasan nama'y tugtuging mabilis na parang gustong sumabay sa bawat patak ng tubig na nahuhulog sa bubong ng awto ko.

ulan. yan ang kailangan ko ngayon. isang milyong patak na sapat na para agusin lahat ng bahid ng pagkakakilala ko sa yo.

tubig. para malinisan ang isip ko at pawiin ang uhaw sa pagod na dulot ng walang katapusang sagutan.

salamat, ulan.

No comments: