AKO AT SI BOK
"Chief! Tagal natin nawala ah."
"Oo nga eh. Di ko mayaya si misis dito nung umuwi eh. Baka mamaya ibenta mo ko."
"Sir naman... Syempre di ko gagawin yun. Anong atin? Yung dati?"
"Yup."
Habang inaantay ko yung inorder kong one liter mug ng draft, nagtingin-tingin ako sa paligid. Walang masyadong tao ngayon. Siguro kasi umulan nang malakas kanina. Baka nasa traffic pa. Iba talaga pag walking distance lang ang gimikan sa tinitirhan mo. Maya-maya pa'y nilapag na ni Bok ang beer sa harap ko.
"Sisig rice, sir?"
"Masyadong madami yung small nyo eh. Tsaka kumain na ko dyan sa McDo kanina. Walang masyadong tao, no?"
"Oo nga eh. Pero malamang bukas marami. Sweldo na eh. Friday pa. Daan ka bukas?"
"Ewan ko, bahala na."
Sa loob-loob ko, nag-inarte ka pa eh talaga namang dadaan ka. Ano naman gagawin ko sa bahay eh ako lang naman mag-isa dun? Tsk tsk tsk. Day one pa lang to. 29 days to go.
Postscript: Si Bok yung bartender ng Cable Car sa Eastwood. Pag nauubusan ng keg ng draft, sya rin yung nagkakarga ng pamalit galing sa taas. Okay si Bok. Kwela. Marunong manimpla ng tao. Hindi basta-basta makikipag-usap sa mga nasa bar kung sa tingin nya ayaw ng conversation nung customer. Si Bok ang best friend ko habang wala ang asawa ko for the next 29 days.
July 28, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment