September 29, 2009

Politics in the Time of Disaster

First off, I would have to apologize to my English speaking readership. A lot of this post is written in Filipino, because this is a commentary on a friend's Multiply post. Just so to give you an idea what this is all about, this is a first-hand account of my friend who is a volunteer for the Philippine National Red Cross. He was in the middle of rescue and relief operations in one of the hardest hit areas affected by flooding from Typhoon Ondoy. Below is his narrative on what happened...

SHOW TIME

Ang lahat ay naghahanda na para tulungan ang lahat ng biktima na lalabas ng Vista Verde, mga alas dos ng madaling araw ng Lunes.
Kaming mga red cross volunteers, alam na namin ang gagawin namen.
Isulat ang pangalan, bigyan ng pagkain at stub at bigyan ng relief goods na may kasamang bigas, delata at tubig.
Ang daming ambulansya, militar, at media na nag-aabang sa labas, kasi halos bewang pa daw ang baha sa loob.

Mula sa loob ng subdivision, may papalabas na dalawang military trucks na puno daw ng tao.
Isa sa mga unang bumaba si Senador... video rolling... flash... flash... flash...
Buong akala namen na sobrang dami ng tao sa loob ng truck kasi malaking truck eto.
Pero mangilan-ngilan lang ang bumaba nito na biktima ng bagyong Ondoy.
Ang aking nakita lang ay ang isang lola at ina na may kargang baby na mga nasa isa or dalawang buwan pa lamang, na pinasok sa ambulansya para sa unang panlunas.
Pero pagkatapos ng mga ilang sandali bumaba din sila.
"Mag-ingat po kayo." ani ni Senador sabay tapik sa likod ng ina na may baby. flash... flash... flash...

ayun sa mga naririnig namen, tinipon daw muna lahat ng tao muna bago ilabas para kasabay si Senador paglabas! Ayun bidang-bida sya!

Sinabihan ako ng kasamahan ko na magbitbit daw ng relief goods at tinapay at isakay sa truck para ipasok sa loob.
Bitbit agad ako ng dalawang kahon ng tinapay.
Tinanong ako ni Senador, "Para san yan?"
"Ikarga po sa truck para sa loob." ang sagot ko sabay tungo si Senador.
Pagdating ko sa truck para iabot ang aking bitbit, tinanong ako ng militar kung para san eto.
Ang sabi ko para sa loob pero ang sabi sa akin, "Hindi na eto papasok sa loob".
Pano na ang ibang tao sa loob? May ibang tao pa na di pa makalabas ng bahay nila!
Binalik nalang namen ang dala namen sa sasakyan namen.
Utos pala eto ni Senador na ikarga ang relief goods sa truck pero hindi ipapasok sa loob. SUS!

Ilang sandali, umalis na rin si Senador kasabay ang lahat ng militar at ambulansya.
Naging tahimik ang labas ng Vista Verde, kaming mga Red Cross volunteers nalang ang naiwan kasama ang ibang tao na nakalabas sa subdivision.
Habang sumisikat na si haring araw, may mga ilang tao na ang lumalabas ng subdivision.
Ang ilan sa mga eto nangangailangan ng gamot at pang-unang lunas, lalo na ung amang may bitbit na anak na namumutla na.
Humihingi sa amen ng tulong, ngunit wala kaming maibigay dahil walang ambulansya na naka-antabay.
May isang lolo na gustong magpaBP, buti nalang isa sa kasamahan namen ay nurse at may dalang gamit, kaya nakuhanan eto ng BP.

Nasan na ang mga ambulansya na nag-aabang sa labas?

Ayun kasama ni Senador! Baket walang man lang naiwan para sa ibang tao?
Alam naman nilang madami pang stranded sa loob ng subdivision.
Hindi ba naisip ni Senador yun?


The senator was eventually identified as Richard Gordon, the Chairman of the Philippine Red Cross himself. Of course I couldn't confirm this myself, but if it came from someone who was personally there, and who had no reason to make a baseless accusation on the good Senator, then something smells. And it isn't the estero water that's still engulfing half of Metro Manila at the moment.

I just had to share this because a batchmate from Philippine Science High School posted an online call for volunteers on behalf of the Philippine Red Cross to help in the relief operations. Wag na lang, 'toy. I don't feel like making myself party to the hypocrisy of Philippine politics. In the face of disaster, some people are still putting their political ambitions ahead of providing help to those severely affected.

No comments: